“kikiam, fishball, chikenball…”
Mga pagkain na kanilang binabalik-balikan, pagkain na mabibili sa gilid ng kanilang eskuwelahan, ang pagkain na kanilang pinagsasaluhan …
“Ang sarap talaga ng kfc niyo manang.” .. wika ni Steve
“Eh panong hindi sasarap yan, eh sauce pa lng ulam na steve!” .. sagot ni Vera
“Ibang klase talaga ang kfc niyo manang! Daig pa ang tunay na KFC sa sobrang lupit!” .. singit ni Rey
“Korek ka jan rey!” .. anya ni Rhoma
“Tama na nga kayong apat d’yan, baka ma-late pa tayo sa second class natin.” .. tugon ni Yein
Halos mag-iisang taon ng magkakasama ang apat na magkakaklase sa parehong kursong kinukuha. Mag-iisang taon na rin silang makikita sa paborito nilang kainan na “kikiam, fishball at chikenball” o’ sa mas kilalang tawag nila na “KFC”. Si Steve ang pinakamalakas kumain sa kanila, halos ubusin niya ang pera niya sa pagkain nito. Si Vera naman ang kuripot sa grupo, ayaw niyang gastusin ang sarili niyang pera, lagi siya nagpapalibre kay Rey. Si Rey ang financer ni Vera, hindi siya makatanggi sa kagustuhan nito dahil siya ang gumagawa ng mga assignments at projects niya. Si Rhoma ang happy-go-lucky ng samahan, hindi siya maarte katulad ng iba nilang klasmeyt na babae na puro make-up ang mukha. Si Yein naman ang nagsisilbing nanay nila, siya ang sumasaway sa mga ka grupo kapag mali o’ sobra na ang ginagawa nila. Lagi niyang pinipigilan ang mga kasama sa pagkain ng kfc.
“Ok! Class dismiss!” .. wika ng Prof.
“San tayo pupunta ngayon guys?” .. tanong ni Rhoma
“San pa!? edi sa…” pabitin na wika ni steve
“K.F.C!” sabay-sabay na bigkas nila Steve, Vera at Rey
“Ano ba kayo!, ilang beses ko bang sasabihin na tigilan niyo na ang pagkain ng kfc na yan, hindi maganda yan sa kalusugan!” .. galit na bigkas ni Yein
Ayaw na ayaw ni Yein na makikita ang mga kasama na kumakain ng kfc dahil para sa kanya makakapagdulot ito ng sakit. Sa nakikita niyang paulit-ulit na pagsawsaw ng mga tao sa sauce nito na kontaminado ng laway nila. At ang pinaka ayaw niya ay ‘yung nakikita niya ang mga kaibigan na sumasawsaw din sa kontaminadong sauce nito.
“Ano ka ba naman Yein, ilang ulit din ba naming sasabihin sa’yo na walang epekto sa ‘min yun” .. tugon ni Steve
“Oo nga naman, hindi mo pa kasi natitikman kaya mo yan nasasabi, ‘di ba guys?” wika ni Rey
“Bahala kayo! Hinding-hindi ko susubukan yan!” .. sagot ni Yein
“Oh tama na yan, baka kung san pa mapunta yang usapan na yan, tara guys sa KFC!” .. masayang wika ni Vera
Nagtungo ang magkakaibigan sa paborito nilang kainan, katulad ng inaasahan, ang apat ay masayang kumakain ng paboritong kfc maliban kay Yein na kumain na lamang ng biskwit at pamatid-uhaw na soft drinks.
Ang mga araw ay lumilipas ng mabilis kasabay ng pagtibay ng kanilang pagkakaibigan at masaganang samahan. Makalipas ang tatlong taon ang magkakaibigan ay pinag-uusapan ang nalalapit ng graduation day nila.
“Ang bilis ng panahon noh? Parang kelan lang nung una tayong magkasama lahat.” .. wika ni Rey
“Oo nga eh, ngayon malapit na tayong magsi-graduate.” .. sunod na wika ni Vera
“Oo, pero… hindi ba kayo nag aalala kay Steve guys?” .. tanong ni Rhoma
“Lagi na siyang absent, hindi rin nagrereply pag tinitext ko.” .. sagot ni Vera
“Hindi ko na rin siya nakikitang online sa facebook, na pano na kaya yun?” .. singit ni Rey
“Mabuti pa puntahan natin siya sa bahay nila, baka masama lang ang pakiramdam niya.” .. tugon ni Yein
Agad na nagtungo ang apat sa bahay nila Steve para kamustahin ang kalagayan niya.
“Oh Rhoma, Rey, Vera at Yein napadaan kayo, hali kayo tuloy.” wika ng nanay ni Steve
“Gusto lang ho namin sanang alamin kung bakit hindi pumapasok si Steve?” .. tanong ni Vera
“Oho, ilang araw na din siyang absent eh, ang dami na po niyang na missed na mga assignments.” .. tugon ni Rey
“Nasan po ba siya ngayon?” .. tanong ni Rhoma
“Nasa kwarto niya, nagpapahinga” .. sagot ng nanay ni Steve
“Masama ho ba pakiramdam niya?” .. tanong ni Rey
“hindi naman” .. wika ng nanay ni Steve
“Eh ano pong problema sa kanya” .. wika ni Yein
“Gusto niyo ba talaga malaman?” .. tanong ng Ina
“Oho!” .. sabay-sabay na sagot ng apat
“Nitong mga nakaraang araw nakitaan namin siya ng paninilaw ng mata at balat, wala siyang gana kumain pero madalas siyang magsuka at nangangati din s’ya palagi” .. tugon ng nanay ni Steve
“Pumunta kami sa doktor nung isang araw para ipa-check up siya, dun namin nalaman na positive s’ya sa hepatitis B virus. Kaya nahihiya na siyang pumasok sa eskwelahan at sa inyo, iniisip niyang baka hindi niyo na s’ya kausapin at layuan niyo na lang, ayun ang ikinatatakot niya.” .. dugtong nito
Napapakinggan ni Steve ng tahimik ang lahat sa kanyang kwarto at unti-unti siyang napapaiyak sa bawat salita na maririnig niya.
“Eh tita, san daw ho nakuha yung sakit niya?” tanong ni Rhoma
“Tinanong ng doktor kung ano ang madalas niyang kainin, at sabi niya madalas daw kayo kumain ng kikiam at iba pa dun sa gilid ng school niyo.” .. wika ng Ina
“Marahil doon daw niya nakuha ‘yun dahil sa hindi malinis na paggawa at sa salo-salong sawsawan ng mga tao” .. dugtong pa nito
“’di ba sabi ko naman sa inyo guys na masama ang araw-araw na pagkain ng kfc na yan!, ang hirap sa inyo, habang sinasaway kayo lalo kayong ginaganahan eh!” .. lakas loob na wika ni Yein
Ang tatlo ay tahimik na napatingin sa isa’t-isa habang binibigkas ni Yein ang mga katagang iyon.
“K.F.C? eh wala naman nun sa school nio ah?” .. takang tanong ng ina
“Ayt! Kikiam, fishball at chickenball ho tita, pinaiksi lang kaya nagging kfc.” .. sagot ni Yein
“Ah ganun ba?” .. anya ng ina
“Oho, pero para sakin Hepaballs yun!” .. wika ni Yein
Sabay tawa ng malakas ang apat kasabay ang ina ni Steve
“Eh ano pong sabi ng doktor para gumaling siya?” .. tanong ni Vera
“Ang sabi ng doktor hindi naman daw required ang treatment, lagi lang daw i-monitor ‘yung katawan niya and after a few months ‘yung immune system nya daw kelangan labanan yung virus, giving him a natural immunity.”
“Wala naman pa lang dapat ipag-alala, wala ho siyang dapat ikahiya, hindi naman niya ginusto yun eh.” .. wika ni Rey
“Oo nga po, at isa pa malapit na ang graduation day, hindi po siya nakakapagpraktis.” .. anya ni Rhoma
“Ayon na nga ang inaalala ko, pero ayaw na niya talagang lumabas ng bahay dahil sa kalagayan niya.” .. malumanay na bigkas ng Ina
Hindi na napigilian ni Steve ang kanyang nararamdaman, bigla itong lumabas ng kanyang kwarto upang paalisin ang mga kabigan dahil ayaw niyang naririnig na pinag-uusapan at kinakaawaan siya.
“Tama na! wala kayong maitutulong! Sarili ko lang ang makakatulong sa sarili ko! Umalis na kayo!” ..
Pasigaw na may luha sa mga matang sinabi ni Steve sa kanyang mga kaibigan.
Hinimatay si Steve noong oras ding iyon, at agad siyang itinakbo ng mga kaibigan patungo sa pinakamalapit na ospital sa kanilang lugar.
“Dok, ano hong nangyari sa anak ko?”
“Ah misis, hindi na ko mag papaligoy-ligoy pa, ang anak niyo ay may liver cancer caused by patuloy na paglala ng hepa B niya.”
“Pero sabi nung isang doktor hindi naman daw malala ang sakit niya.”
“Oho, pero baka ho hindi kinaya ng immune system niya na labanan ang virus kaya nag lead ito sa liver cancer.”
Wala nang salitang maibigkas ang ina at napaiyak na lamang ito sa sobrang kalungkutan na sinapit ng kanyang anak.
Kasabay ng paglipas ng mga araw ay unti-unti ring nakikitaan ng pagbabago ang katawan ni Steve. Ang dating mala-hercules na katawan ay tila isang poste na ng ilaw sa sobrang kapayatan, ang matikas niyang boses ay tila isa nang baby na uutal-utal pa sa pagsasalita, at ang mala-F4 niyang buhok ay nalalagas na katulad ng isang matanda na napag-iwanan na ng panahon.
“Ma, ma-a-a aten pa ba o ta gara-wey-ton o?” .. hirap na bigkas ni Steve (Ma, makaka-attend pa ba ko sa graduation ko?)
“Oo naman ‘nak, sa isang linggo na nga yun diba?”
“Eh hi-hindi naman ao na-a-apag pak-tis eh.” (Eh hindi naman ako nakakapag praktis eh)
“Ok lang yun ‘nak, andun naman sila rey para tulungan ka.”
“ayo-o ma-ita ti-tila, ba-a aawaan lang ni-nila ao, ayo-o nan ga-ganun ma.” (Ayoko Makita sila, baka kaawaan lang nila ako, ayoko nang ganun ma)
“Matutuwa pa nga sila sayo, dahil kahit may sakit ka, makakasama ka pa rin nila ‘nak”
Ang mga luha ay tuluyan ng makikita sa mata ng nanay ni Steve habang nakikipag usap ito sa kanya.
“Ma…”
“’nak…”
“Bait a nai-i-iyak?” (Bakit ka naiyak?)
“Hindi naman ako naiyak ah.”
“Eh ba-it may lu-luha d’yan ta ma-mata mo?” (Eh bakit may luha diyan sa mata mo?)
Pilit itinaas ni Steve ang kanyang kamay patungo sa mukha ng kanyang ina para punasan ang luha nito.
“Ma, pipi-itin to gu-gumaling pa-para tayo, talamat ta pag aalaga mo ha!” (Ma, pipilitin ko gumaling para sa’yo, salamat sa pag aalaga mo ha!)
“Hindi na ao ma-apag intay ta gara-wey-ton day ma.” (Hindi na ako makapg hintay sa graduation day ma)
Agad niyakap si Steve ng kanyang ina habang umiiyak sa narinig na sinabi ng anak,
“Gagaling ao ma, at iaa-on ita ta hi-hirap, ipag mamala-i mo ao ma!” (Gagaling ako ma, at iaahon kita sa hirap, ipagmamalaki mo ako ma!)
“Sige ‘nak, aasahan ko yan ha, magtiwala ka lang sa sarili mo.”
Dalawang araw bago ang graduation day, si Steve ay binawian ng buhay. Hindi na siya nakaabot sa araw na pinaka hihintay niya. Wala na ang grupong makikita sa paborito nilang kainang kfc, hindi na katulad ng dati ang saya ng grupo nila na tila walang problema sa buhay, at ang pinakamalungkot ay nawalan sila ng kaibigan na itinuring nila na parang kapatid sa sobrang tagal at tatag ng kanilang samahan.
“kikiam, fishball, at chickenball…”
Mga pagkain na kanilang binabalik-balikan, pagkain na mabibili sa gilid ng kanilang eskuwelahan, ang pagkain na kanilang pinagsasaluhan, at ang pagkain na sisira sa saya at tatag na samahan at babawi sa buhay ng kanilang kaibigan.