Friday, June 17, 2011

Loving Someone ...

“Falling in love was never a competition”

Have you ever heard that quote? I heard it from my classmate's speech and that time, it caught my attention and realized “Yeah! That’s true!

Before, my idea of loving someone is like sports cars racing in the same road. You need to be fast as to be in the 1st place, you need good wheels and engine so you will move softly and smoothly, you need lots of fuels so you will not be stucked in the race track, and most important thing that you need to remember and should always be in your mind is that “you are competing with one another so give your finest performance and do more than the best that you can do”.

I know that majority of us had been in a relationship. A relationship that made us happy like everyday was a gift, a relationship that made us miserable when we caught the one we loved lies on us and still not admitting their mistake, a relationship that hurt us when destiny separates you with each other, and a relationship that made us strong and gave us courage to pursue achieving our dream because we want to show and prove to them that they’re not our lost.

Despite of experiences that we encountered, here we are, still looking for someone to love. Someone that will make us happy, without thinking of she/he might hurt us all over again. We still want that love even though lots of obstacles are blocking our way. We are still wishing for special someone, a right one that will fit our attitude with one another.

Love is not about how many girlfriend/boyfriend we had, it’s not about how long our relationship had been, or either the number of exchanged kisses. It’s about "trust". The trust that we provide with each other, the trust that will make our relationship strong, and the trust that will serve as the foundation supporting our relationship to grow. Love means never doubting anything. It means trusting and being honest with each other and once again falling in love was never been a competition and will never be.

Saturday, April 16, 2011

Jeepney: Mga karanasan


Ang "King of the Road" ng Pilipinas 'o mas kilala ng nakararami bilang "Jeepney" ay makikita saan mang lupalop ng ating bansa. Ito ang kadalasan nating sinasakyan papunta sa eskwelahan, opisina, 'o kahit sa isang simpleng lakad lamang. Ang sasakyang ito ay talagang maipagmamalaki ng ating bansa sa kadahilanang isang Pinoy ang nakagawa 'o naka-isip ng disenyo nito.

May mga hindi magandang bagay tayo na nararanasan sa pagsakay natin sa isang jeepney: Minsan dito tayo nakakatulog pag nakakaramdam tayo ng sobrang pagod at kung mamalasin nga naman ay makakalagpas tayo sa ating pupuntahan, dito rin tayo nakakaranas ng pagod 'pag sobrang traffic sa daan na tila isang pagong ang ating sinasakyan sa sobrang tagal nitong umandar at kapag umuulan pa nga ay napakahirap sumakay, kailangan pang maghintay na umaabot na sa pangangalay ng paa sa sobrang tagal mo ng nakatayo dahil puno nang pasahero ang lahat ng nadaan na jeep. Dito din tayo nakakaramdam ng takot kapag may mga pasahero na kaka-iba ang ikinikilos 'o kapag puro lalaki ang mga kasama nating pasahero na tila ang haba haba ng daanan bago tayo makarating sa ating bababaan. Isa din ito sa dahilan ng ating pagba.budget ng pera dahil dapat sakto lang ang ibabayad nating pamasahe dahil may mga driver na nakakalimot 'o sadyang kinakalimutan magbigay ng sukli "ma, yung sukli po sa 20?" at minsan naman ay kulang ang isinusukli sa atin "ma, isa lang ho yun 20, kulang ho sukli n'yo". At dito din tayo nakakaramdam ng sobrang pagkainis 'pag gusto na nating bumaba pero hindi tayo marinig ng driver. 'Yung tipong salita na tayo ng salita ng "para po", "sa tabi lang ho" at uulitin pa natin ng pasigaw "para po!!" at hanggang sa tulungan na tayo ng iba pang pasahero "ma, para daw ho" at sasagot ang driver ng "may bababa?". Hindi man nila sinasadya pero nakaka insulto 'yung ganun diba? hay, nakakainis talaga yung ganung mga driver.

At kung may hindi maganda, may magandang dulot din ang pagsakay natin sa isang jeepney. unang una na d'yan ang paghatid nito atin sa mga lugar na ating pupuntahan. Dito din tayo nakakapagpahinga 'pag pakiramdam natin ay sobrang pagod tayo galing sa eskwelahan 'o opisina. Dito din tayo nakakatipid dahil mura lang naman ang pamasahe kaysa sa bumili ka pa ng sariling kotse at magpagasolina linggu-linggo. May mga tao na nakakalibre sa pagsakay nila dito, 'yun ay ang mga hindi nila pagbayad ng pamasahe 'o mas kilala sa tawag na "123". May mga pagkakataon din na nakakatulong tayo sa ating kapwa, halimbawa na lng kapag may nasakay na matanda 'o tao na may kapansanan ay tinutulungan natin sila sa pagsakay at pagbaba at higit sa lahat dahil sa jeepney, napapanatili natin ang "BAYANIHAN" sa pamamagitan ng pagtulung-tulong sa pag abot ng pamasahe mula sa pasahero papunta sa driver. Napansin mo ba yun? yan ang madalas na karanasan mula sa pagsakay sa isang jeepney.

Ikaw, ano ang kakaibang karanasan mo sa pagsakay sa "King of the Road" ng Pilipinas? ..


Tuesday, April 12, 2011

Kabataan: tunay nga bang pag-asa ng bayan?


Sa panahon ngayon, maraming kabataan ang nakikita sa lansangan na kung titigna’y animo’y isang hayop lang na pakalatkalat sa mga lugar na hindi nila dapat kinalalagyan, kabataan na napaka dungis at walang saplot na tila walang magulang na nagbuhay sa kanila dito sa mundong kanilang kinalalagyan upang sila’y arugain, marami ring kabataan ang nasasangkot sa mga ilegal na bagay tulad na lamang ng pagnanakaw, pagpatay, at kahit pa sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa mga panukalang iyan, naniniwala ka pa ba sa pahayag ni Gat Jose Rizal na “Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan”?

Kung ang kabataan ay tulad ng ipinakikilala sa itaas, maaring hindi sila ang hinahanap ng ating bayan para umunlad, hindi sila ang magbibigay sa atin ng ginhawa na ating inaasam, at lalong hindi sila ang gustong ipahatid ni Gat Jose Rizal sa kanyang pahayag. Ayon sa isang talumpati na aking nabasa, na nagsasabing ang bawat bata ay may mga karapatan. Karapatang makahawak ng libro’t lapis, upang sila ay magkaroon ng kaalaman sa bawat bagay na kanilang makikita dito sa ating mundo. Mahagkan ang haplos ng kalinga, proteksyon, at pagmamahal ng isang magulang, upang maramdaman nila na hindi sila nag-iisa at may tao na handang tumulong sa kanila sa oras ng pangangailangan. At matustusan ang pangangailangan at masilayan ang kagandahan ng mundo. Sa ganitong paraan, maaring ang kabataan ay maging isang magandang ugat upang tayo ay tuluyan nang maging isang ganap na masaganang puno o kung ikukumpara sa ating istado ay maging ganap na isang maunlad na bayan.

Ang lahat ng kabataan na tatamasa ng ganyang karapatan ay siyang magsisilbing paa patungo sa maunlad na bayan, magisisilbing kamay na mag-aasikaso ng mga problemang gugulo sa maayos na pamumuhay, magsisilbing utak sa pag-ahon ng ating bansa sa kahirapan, ang magsisilbing ugat na pagdadaluyan ng kaalaman upang magkaisa ang bawat Pilipino na gustong mamuhay ng matiwasay, at ang magsisilbing puso na siyang bubuhay sa natutulog nating damdamin upang iluklok ang tamang pinuno at sabihin sa kanya kung ano ang naramramdaman ng bawat isa sa kanyang nasasakop.

Kabataan, magtiwala sa iyong kakayahan! Sila ang pag-asa ng bayan dahil masnakikita nila ang mga mali ng nakakatandang mamamayan at sa pamamagitan nito ay maiitutuwid nila ang pagkakamali at makakaharap sila sa panibagong bukas na masagana. “Kabataan nga naman ating kailangan dahil sa bayan natin sila ang kayamanan”. Ang kabataan ay hindi isang laruan na dapat lamang itapon kung ito ay hindi na napapanahon, ang kabataan ay isang magandang simula patungo sa pag-unlad ng bansa, ang kabataan ang tutugon sa suliraning ikinakaharap ng ating lipunan, ang kabataan ang siyang ating aasahan sa oras ng pangangailngan, kabataan pag-asa ng ating bayan! sa isip, sa salita, at sa gawa!”.



Monday, April 11, 2011

Ako’y isang hamak na “nurse” lamang

Malayo man ang aking kinaroroonan,

Pilitin ka pa rin na aking pupuntahan.

Tila yata ospital akin ng tahanan,

Halos ‘di na umuwi sa pinanggalingan.


Ako man ay malayo sa aking pamilya,

Sa ginagawa ko naman ako’y masaya.

Kaunting pagkaing aking pinagkakasya,

Masilayan na ngiti, akin ng ligaya.


Mga buhay nilang aking hinahawakan,

Kailangan ko na ito’y pagkaingatan,

At kahit na ako man ay mahirapan,

Gumaling kayo’y akin nang kaligayahan.


At kahit na ako’y isang sunudsunuran,

At alam ko na isang hamak na “nurse” lamang,

Aking kakayahan kanilang kailangan,

Sa bawat oras ako ay maaasahan.


Friday, April 1, 2011

Hepaballs

“kikiam, fishball, chikenball…”

Mga pagkain na kanilang binabalik-balikan, pagkain na mabibili sa gilid ng kanilang eskuwelahan, ang pagkain na kanilang pinagsasaluhan …

“Ang sarap talaga ng kfc niyo manang.” .. wika ni Steve

“Eh panong hindi sasarap yan, eh sauce pa lng ulam na steve!” .. sagot ni Vera

“Ibang klase talaga ang kfc niyo manang! Daig pa ang tunay na KFC sa sobrang lupit!” .. singit ni Rey

“Korek ka jan rey!” .. anya ni Rhoma

“Tama na nga kayong apat d’yan, baka ma-late pa tayo sa second class natin.” .. tugon ni Yein

Halos mag-iisang taon ng magkakasama ang apat na magkakaklase sa parehong kursong kinukuha. Mag-iisang taon na rin silang makikita sa paborito nilang kainan na “kikiam, fishball at chikenball” o’ sa mas kilalang tawag nila na “KFC”. Si Steve ang pinakamalakas kumain sa kanila, halos ubusin niya ang pera niya sa pagkain nito. Si Vera naman ang kuripot sa grupo, ayaw niyang gastusin ang sarili niyang pera, lagi siya nagpapalibre kay Rey. Si Rey ang financer ni Vera, hindi siya makatanggi sa kagustuhan nito dahil siya ang gumagawa ng mga assignments at projects niya. Si Rhoma ang happy-go-lucky ng samahan, hindi siya maarte katulad ng iba nilang klasmeyt na babae na puro make-up ang mukha. Si Yein naman ang nagsisilbing nanay nila, siya ang sumasaway sa mga ka grupo kapag mali o’ sobra na ang ginagawa nila. Lagi niyang pinipigilan ang mga kasama sa pagkain ng kfc.

Ok! Class dismiss!” .. wika ng Prof.

“San tayo pupunta ngayon guys?” .. tanong ni Rhoma

“San pa!? edi sa…” pabitin na wika ni steve

“K.F.C!” sabay-sabay na bigkas nila Steve, Vera at Rey

“Ano ba kayo!, ilang beses ko bang sasabihin na tigilan niyo na ang pagkain ng kfc na yan, hindi maganda yan sa kalusugan!” .. galit na bigkas ni Yein

Ayaw na ayaw ni Yein na makikita ang mga kasama na kumakain ng kfc dahil para sa kanya makakapagdulot ito ng sakit. Sa nakikita niyang paulit-ulit na pagsawsaw ng mga tao sa sauce nito na kontaminado ng laway nila. At ang pinaka ayaw niya ay ‘yung nakikita niya ang mga kaibigan na sumasawsaw din sa kontaminadong sauce nito.

“Ano ka ba naman Yein, ilang ulit din ba naming sasabihin sa’yo na walang epekto sa ‘min yun” .. tugon ni Steve

“Oo nga naman, hindi mo pa kasi natitikman kaya mo yan nasasabi, ‘di ba guys?” wika ni Rey

“Bahala kayo! Hinding-hindi ko susubukan yan!” .. sagot ni Yein

“Oh tama na yan, baka kung san pa mapunta yang usapan na yan, tara guys sa KFC!” .. masayang wika ni Vera

Nagtungo ang magkakaibigan sa paborito nilang kainan, katulad ng inaasahan, ang apat ay masayang kumakain ng paboritong kfc maliban kay Yein na kumain na lamang ng biskwit at pamatid-uhaw na soft drinks.

Ang mga araw ay lumilipas ng mabilis kasabay ng pagtibay ng kanilang pagkakaibigan at masaganang samahan. Makalipas ang tatlong taon ang magkakaibigan ay pinag-uusapan ang nalalapit ng graduation day nila.

“Ang bilis ng panahon noh? Parang kelan lang nung una tayong magkasama lahat.” .. wika ni Rey

“Oo nga eh, ngayon malapit na tayong magsi-graduate.” .. sunod na wika ni Vera

“Oo, pero… hindi ba kayo nag aalala kay Steve guys?” .. tanong ni Rhoma

“Lagi na siyang absent, hindi rin nagrereply pag tinitext ko.” .. sagot ni Vera

“Hindi ko na rin siya nakikitang online sa facebook, na pano na kaya yun?” .. singit ni Rey

“Mabuti pa puntahan natin siya sa bahay nila, baka masama lang ang pakiramdam niya.” .. tugon ni Yein

Agad na nagtungo ang apat sa bahay nila Steve para kamustahin ang kalagayan niya.

“Oh Rhoma, Rey, Vera at Yein napadaan kayo, hali kayo tuloy.” wika ng nanay ni Steve

“Gusto lang ho namin sanang alamin kung bakit hindi pumapasok si Steve?” .. tanong ni Vera

“Oho, ilang araw na din siyang absent eh, ang dami na po niyang na missed na mga assignments.” .. tugon ni Rey

“Nasan po ba siya ngayon?” .. tanong ni Rhoma

“Nasa kwarto niya, nagpapahinga” .. sagot ng nanay ni Steve

“Masama ho ba pakiramdam niya?” .. tanong ni Rey

“hindi naman” .. wika ng nanay ni Steve

“Eh ano pong problema sa kanya” .. wika ni Yein

“Gusto niyo ba talaga malaman?” .. tanong ng Ina

“Oho!” .. sabay-sabay na sagot ng apat

“Nitong mga nakaraang araw nakitaan namin siya ng paninilaw ng mata at balat, wala siyang gana kumain pero madalas siyang magsuka at nangangati din s’ya palagi” .. tugon ng nanay ni Steve

“Pumunta kami sa doktor nung isang araw para ipa-check up siya, dun namin nalaman na positive s’ya sa hepatitis B virus. Kaya nahihiya na siyang pumasok sa eskwelahan at sa inyo, iniisip niyang baka hindi niyo na s’ya kausapin at layuan niyo na lang, ayun ang ikinatatakot niya.” .. dugtong nito

Napapakinggan ni Steve ng tahimik ang lahat sa kanyang kwarto at unti-unti siyang napapaiyak sa bawat salita na maririnig niya.

“Eh tita, san daw ho nakuha yung sakit niya?” tanong ni Rhoma

“Tinanong ng doktor kung ano ang madalas niyang kainin, at sabi niya madalas daw kayo kumain ng kikiam at iba pa dun sa gilid ng school niyo.” .. wika ng Ina

“Marahil doon daw niya nakuha ‘yun dahil sa hindi malinis na paggawa at sa salo-salong sawsawan ng mga tao” .. dugtong pa nito

“’di ba sabi ko naman sa inyo guys na masama ang araw-araw na pagkain ng kfc na yan!, ang hirap sa inyo, habang sinasaway kayo lalo kayong ginaganahan eh!” .. lakas loob na wika ni Yein

Ang tatlo ay tahimik na napatingin sa isa’t-isa habang binibigkas ni Yein ang mga katagang iyon.

“K.F.C? eh wala naman nun sa school nio ah?” .. takang tanong ng ina

“Ayt! Kikiam, fishball at chickenball ho tita, pinaiksi lang kaya nagging kfc.” .. sagot ni Yein

“Ah ganun ba?” .. anya ng ina

“Oho, pero para sakin Hepaballs yun!” .. wika ni Yein

Sabay tawa ng malakas ang apat kasabay ang ina ni Steve

“Eh ano pong sabi ng doktor para gumaling siya?” .. tanong ni Vera

“Ang sabi ng doktor hindi naman daw required ang treatment, lagi lang daw i-monitor ‘yung katawan niya and after a few months ‘yung immune system nya daw kelangan labanan yung virus, giving him a natural immunity.”

“Wala naman pa lang dapat ipag-alala, wala ho siyang dapat ikahiya, hindi naman niya ginusto yun eh.” .. wika ni Rey

“Oo nga po, at isa pa malapit na ang graduation day, hindi po siya nakakapagpraktis.” .. anya ni Rhoma

“Ayon na nga ang inaalala ko, pero ayaw na niya talagang lumabas ng bahay dahil sa kalagayan niya.” .. malumanay na bigkas ng Ina

Hindi na napigilian ni Steve ang kanyang nararamdaman, bigla itong lumabas ng kanyang kwarto upang paalisin ang mga kabigan dahil ayaw niyang naririnig na pinag-uusapan at kinakaawaan siya.

“Tama na! wala kayong maitutulong! Sarili ko lang ang makakatulong sa sarili ko! Umalis na kayo!” ..

Pasigaw na may luha sa mga matang sinabi ni Steve sa kanyang mga kaibigan.

Hinimatay si Steve noong oras ding iyon, at agad siyang itinakbo ng mga kaibigan patungo sa pinakamalapit na ospital sa kanilang lugar.

“Dok, ano hong nangyari sa anak ko?”

“Ah misis, hindi na ko mag papaligoy-ligoy pa, ang anak niyo ay may liver cancer caused by patuloy na paglala ng hepa B niya.”

“Pero sabi nung isang doktor hindi naman daw malala ang sakit niya.”

“Oho, pero baka ho hindi kinaya ng immune system niya na labanan ang virus kaya nag lead ito sa liver cancer.”

Wala nang salitang maibigkas ang ina at napaiyak na lamang ito sa sobrang kalungkutan na sinapit ng kanyang anak.

Kasabay ng paglipas ng mga araw ay unti-unti ring nakikitaan ng pagbabago ang katawan ni Steve. Ang dating mala-hercules na katawan ay tila isang poste na ng ilaw sa sobrang kapayatan, ang matikas niyang boses ay tila isa nang baby na uutal-utal pa sa pagsasalita, at ang mala-F4 niyang buhok ay nalalagas na katulad ng isang matanda na napag-iwanan na ng panahon.

“Ma, ma-a-a aten pa ba o ta gara-wey-ton o?” .. hirap na bigkas ni Steve (Ma, makaka-attend pa ba ko sa graduation ko?)

“Oo naman ‘nak, sa isang linggo na nga yun diba?”

“Eh hi-hindi naman ao na-a-apag pak-tis eh.” (Eh hindi naman ako nakakapag praktis eh)

“Ok lang yun ‘nak, andun naman sila rey para tulungan ka.”

“ayo-o ma-ita ti-tila, ba-a aawaan lang ni-nila ao, ayo-o nan ga-ganun ma.” (Ayoko Makita sila, baka kaawaan lang nila ako, ayoko nang ganun ma)

“Matutuwa pa nga sila sayo, dahil kahit may sakit ka, makakasama ka pa rin nila ‘nak”

Ang mga luha ay tuluyan ng makikita sa mata ng nanay ni Steve habang nakikipag usap ito sa kanya.

“Ma…”

“’nak…”

“Bait a nai-i-iyak?” (Bakit ka naiyak?)

“Hindi naman ako naiyak ah.”

“Eh ba-it may lu-luha d’yan ta ma-mata mo?” (Eh bakit may luha diyan sa mata mo?)

Pilit itinaas ni Steve ang kanyang kamay patungo sa mukha ng kanyang ina para punasan ang luha nito.

“Ma, pipi-itin to gu-gumaling pa-para tayo, talamat ta pag aalaga mo ha!” (Ma, pipilitin ko gumaling para sa’yo, salamat sa pag aalaga mo ha!)

“Hindi na ao ma-apag intay ta gara-wey-ton day ma.” (Hindi na ako makapg hintay sa graduation day ma)

Agad niyakap si Steve ng kanyang ina habang umiiyak sa narinig na sinabi ng anak,

“Gagaling ao ma, at iaa-on ita ta hi-hirap, ipag mamala-i mo ao ma!” (Gagaling ako ma, at iaahon kita sa hirap, ipagmamalaki mo ako ma!)

“Sige ‘nak, aasahan ko yan ha, magtiwala ka lang sa sarili mo.”

Dalawang araw bago ang graduation day, si Steve ay binawian ng buhay. Hindi na siya nakaabot sa araw na pinaka hihintay niya. Wala na ang grupong makikita sa paborito nilang kainang kfc, hindi na katulad ng dati ang saya ng grupo nila na tila walang problema sa buhay, at ang pinakamalungkot ay nawalan sila ng kaibigan na itinuring nila na parang kapatid sa sobrang tagal at tatag ng kanilang samahan.

“kikiam, fishball, at chickenball…”

Mga pagkain na kanilang binabalik-balikan, pagkain na mabibili sa gilid ng kanilang eskuwelahan, ang pagkain na kanilang pinagsasaluhan, at ang pagkain na sisira sa saya at tatag na samahan at babawi sa buhay ng kanilang kaibigan.